MANILA, Philippines - Nananatili ang posisyon ni Pangulong Benigno Aquino III laban sa pag-amiyenda sa Konstitusyon kahit pa nagsalita ng pagpabor sa panukala si Senator Miriam Defensor-Santiago upang mabago ang kuwalipikasyon ng mga nais maging lider ng bansa.
Nilinaw ni Deputy Presidential Spokesperson Abigal Valte na sa ngayon ay hindi pa rin prayoridad ng Pangulo ang pagsususog sa Saligang Batas.
Nauna nang sinabi ni Santiago na dapat palitan na ng mga mambabatas ang nakasaad sa Konstitusyon tungkol sa kuwalipikasyon ng mga nagnanais maging presidente at bise presidente dahil kahit mga ‘tanga’ o idiots ay maaaring kumandidato.
Pero ayon kay Valte, sa ngayon ay wala sa listahan ng mga prayoridad ng Pangulo ang pagbabago sa Konstitusyon.
“Sa ngayon, hindi ho talaga prayoridad ng… Kahit ho si Senator Santiago sinabi niyang kailaÂngan ho talaga ng constitutional amendments dahil ‘yung qualifications for President, Vice President and Senator, pati ‘yung mga Congressman, nasa Constitution po natin, and that this time hindi ho talaga prayoridad ng admiÂnistrasyon ‘yung Charter Change,†sabi ni Valte.
Ayon pa kay Valte, hindi naniniwala ang PaÂngulo na kailangang amiÂyendahan ang probisyon tungkol sa foreign ownership ng lupa sa Pilipinas dahil may mga bansa rin na nagbabawal nito pero maunlad ang ekonomiya.
Partikular na binanggit ni Valte ang bansang China kung saan bawal umano ang mga banyaga na magmay-ari ng lupa pero isa ito sa itinuturing ngayong makapangyarihan at maunlad na bansa.
Nauna rito, ipinasa sa House of Representatives ang isang resolusyon na naglalayong amiyendahan ang economic provisions sa 1987 Constitution.
Maging si Senate President Franklin Drilon ay nagpahayag na rin ng pagsuporta sa pagsususog sa Konstitusyon.