Coed dedo sa bike crash

CAVITE, Philippines - – Kamatayan ang sumalubong sa 23-anyos na kolehiyala habang kritikal naman ang kaibigan nito makaraang sumemplang ang kanilang motorsiklo sa highway sa Barangay Sabang, bayan ng Naic, Cavite kahapon ng madaling araw. Kinilala ang namatay na si Erian May Angeles, dalaga, ng Brgy. Bucana Sasahan. Samantala, kritikal naman ang kaibigan nitong si Reginald Malinao, 24, ng Brgy. Ibayo Estacion. Ayon kay P01 Reniel Legapi, magkaangkas ang dalawa sa motorsiklo nang sumemplang ito pagsapit sa nasabing lugar. Pinaniniwalaang nakainom ng alak ang driver ng motorsiklo kaya naganap ang trahedya.

Show comments