P7-M pekeng tsinelas nasamsam

MANILA, Philippines - Aabot sa mahigit sa  P7 milyong  halaga ng mga pekeng branded na tsinelas ang nakum­piska nang pinagsanib na puwersa ng Pasay City Police at National Bureau of Investigation (NBI) kahapon sa naturang siyudad.

Sa bisa ng isang search warrant na inisyu­ ni Manila Regional Trial­ Court Judge Lyliha L.  Abella-Aquino,  ng Branch 24, sinalakay ng mga awtoridad ang Dida Chin’s Stall, na matatagpuan sa ika-apat na palapag ng Sherwin Building sa Shopping Mall F. B. Harrison Pasay City.

Nabatid, na nasa 5,127 na mga pekeng tsinelas na Lacoste, na nagkakahalaga ng P7.6 million  ang nakumpiska ng mga awtoridad sa nasabing tindahan.

Bukod pa rito ay pinasok din ng mga awtoridad ang dalawang stockrooms at ang Stall B3, B4 at B5 na kung saan nakaimbak ang saku-sakong mga pekeng tsinelas ng Lacoste.

Hindi naman naabutan ng naturang mga ope­ratiba ang may-ari nang nasabing tindahan na kung saan kakasuhan na lamang ito ng paglabag sa Intellectual Property of the Philippines o Republic Act 8293.

Show comments