MANILA, Philippines – Isang graduate ng University of the Philippines ang nanguna sa resulta ng Bar Exams, ayon sa Korte Suprema ngayong Martes.
Pinangunahan ni Nielson Pangan na nakakuha ng 85.80% ang 1,174 na pumasa o 22.18% ng mga 5,292 na kumuha ng pagsusulit nitong Oktubre ng nakaraang taon.
Nasa ikalawang puwesto naman sina Mark Oyales ng UP rin at Dianna Wilwayco ng Ateneo de Manila University na nakakuha ng 85.45%.
Sa kabuuan ay limang taga UP ang pumasok sa top 10 at narito ang listahan:
- 3rd Place: Rudy Ortea 84.20% (University of Batangas)
- 4th Place: Eden Mopia 84.05% (UP)
- 5th Place: Tercel Mercado-Gephart 83.90% (University of San Carlos)
- 6th Place: Manuel Sarausad 83.80% (University of Cebu)
- 7th Place: Katrine Suyat 83.75% (San Beda College-Manila)
- 8th Place: Michael Tiu, Jr. 83.70% (UP)
- 9th Place: Marjorie Fulgueras 83.65% (ADMU)
- 10th Place: Cyril Arnesto 83.60% (UP)
Binabaan ng Korte Suprema ang passing rate sa 73% dahil ayon kay Associate Justice Arturo Brion ay 694 lamang ang papasa kung sinunod ang 75%.
Nakatakda ang oath taking ng mga pumasa sa Abril 28 sa PICC sa Pasay City.
Narito naman ang kumpletong listahan ng mga pumasa: http://sc.judiciary.gov.ph/