Cudia binigyan ng security

MANILA, Philippines - Fort Del Pilar, Baguio City - Binigyan na ng security si Cadet Aldrin Jeff Cudia makaraang ilipat sa isa pang holding area sa Philippine Military Aca­demy (PMA).

Ito ay makaraang humiling ang pamilya nito sa pamunuan ng PMA sa pamamagitan ni Public Attorneys Office Chief Atty. Persida Acosta na ma­bigyan ito ng mas mahigpit na security at  mailipat sa mas maayos na lugar.

Sinabi ni Acosta, maliit, masikip, malayo ang toilet at walang lock ang holding area na tinutuluyan ngayon ni Cudia.

Aniya, wala kasing makakapagsabi kung mapag-iinitan ito sa loob ng PMA dahil may mga nasasagasaan na itong malalaking tao lalo na ang PMA Honor Committe kaya minabuti ng pamilya na ipalipat ito sa mas ligtas na lugar.

Hanggang sa huling sandali, umaasa ang kampo ni Cudia na mababago pa ni PNoy ang desisyon ng PMA Review Board sa pagdismis dito at pahihintulutan itong mapabilang sa mga gagradweyt nga­yong araw.

Dagdag pa nito na may ilang taon na ang nakakaraan ay may isang kadete na hindi sumailalim sa On The Job Training ang pinayagang maka-graduate dahil nagkasakit ito ng kanser pero bakit sa kaso ni Cudia dahil lamang sa pagkahuli ng 2 minuto sa klase ay sobrang sakit ng na­ging kaparusahan.

 

Show comments