PMA Class 2014 Valedictorian, 7 pa ipinagkakapuri ng Albay

LEGAZPI CITY , Philippines   â€“ Ipinagkakapuri ng Albay si Cadet Jheorge Millena Llona, ang Valedictorian ng Philippine Military Aca­demy (PMA) Class 2014, at pitong iba pa, kasama ang dalawang kadeteng babae, na mga Albayano rin.

Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, sagad niyang ipinagkakapuri si Llona, anak ng isang magsasaka, sa pagbibigay niya ng malaking kara­ngalan sa Albay at magandang ins­pirasyon para sa mga kabataang Albayano upang magsikap silang manguna at magtagum­pay sa anumang larangan napili nila.

Masiglang tinanggap ni Salceda ang paanyaya ng mga kadete at mga pamilya nila na dumalo siya sa PMA graduation rites sa Linggo, Marso 16 sa Fort Del Pilar sa Baguio­ City. Kinansela niya lahat ng kanyang naunang appointments.

“Itinuturing kong obli­gasyon ang samahan ang mga kabataang magiging mga lider natin sa hinaharap, sa araw ng kanilang panunumpa ng walang alinlangang paglilingkod sa ating bansa,” ayon sa gubernador.

Pinangunahan ni Llona ang 223 kasapi ng “Siklab Diwa” PMA Class 2014. Pinili rin niyang sumanib sa Philippine Air Force. Ang pito pang graduating cadets mula sa Albay na kasama niya ay sina Rolly Y. Lopez ng Ligao City; Jeanelyn P. Cabrido at Ranjan S. Palacio ng Guinobatan; Julian M. Ocharan, Camalig; Juanito A. Siddayao, Legazpi City; Charlie A. Bernaldez, Bacacay; at Angielyn B. Samaniego; Polangui.

“Kinumbida ako ng mga kadete at mga pa­milya nila na dumalo (ako sa graduation) at sama­han sila sa Baguio......mahalagang araw ito sa buhay natin bilang isang masayang pamilya at pamayanan,” ayon kay Salceda sa kanyang Facebook.

Pinuna ng gubernador ang matagal na ugnayan ng Albay at PMA simula pa noong 1940 nang magtapos ang unang mga graduates nito na kinabibilangan ni retired Philippine Army Col. Reynaldo Bocalbos ng Tabaco City. Ang PMA ay itinatatag ng mga Amerikano noon bilang isang kumprehensibong paaralang milar gaya ng West Point Military Acedemy sa US para hubugin ang magiging mga commissioned officers ng Armed Foreces of the Philippines.

Isa si Bocalbos sa mga panauhing pandangal sa 2011 graduation program ng PMA kung saan sinaksihan niya ang commissioning rites ni Norman Avila Carual, isa sa top ten ng PMA ‘Laon Alab’ Class, na taga Tabaco City din.

Show comments