MANILA, Philippines - Dalawang warship ng Amerika ang isinabak sa paghahanap sa nawaÂwaÂÂlang eroplano ng Malaysian Airlines na may sakay na 239 katao.
Ayon sa US Embassy sa Manila, tumutulong na rin sa search operations ang USS Kidd, isang Arleigh Burke-class guided-missile destroyer, kasama ang unang ipinadaÂlang USS Pinckney na naatasang maghanap sa nawawalang Boeing 777 flight MH370 sa bahagi ng Straits of Malacca at Andaman Sea.
Ang USS Kidd ay kapareho ng kapabilidad ng USS Pinckney na may daÂlawang MH-60R SeaÂhawk helicopters na dinesenyo para sa search and rescue kasama na ang anti-submarine, anti-surface warÂfare, surveillance, comÂÂmunications relay, naval gunfire at logistics support.
Ang mga helicopter na sakay ng dalawang warship ay maaaring maÂÂkaÂlipad ng hanggang 180 knots na may taas na 13,000 talampakan at range na hanggang 245 nautical miles, at kayang magsaÂgawa ng paghahaÂnap sa gabi gamit ang Forward Looking Infra-red (FLIR) camera.
Ang US Navy naman ay nananatiling may isang maritime patrol aircraft, isang P-3C Orion na nagmula sa Grey Knights of Patrol Squadron 46 na naka-istasyong lumipad mula Subang Jaya, Malaysia.
Ang P-3C ay naatasang maghanap sa nawawalang eroplano sa search area sa kanluran ng Malaysia na nasa hilaga ng Straits of Malacca at Andaman Sea. Ito ay may kakayahang makalipad ng matagal sa ere at kumukober ng 1,000-1,500 square miles kada oras. Ang onÂboard censors nito ay binibigyan ang crew na ma-detect nang malinaw ang maliliit na debris sa kaÂragatan o tubig.
Sa kabila nito, sinabi ng Embahada na wala pang naiuulat ang US Navy ships at aircrafts na natatagpuang anumang debris ng naturang eroplano.
Bukod sa US, kabilang pa sa mga bansang tumutulong sa search and rescue operations ay ang search team mula sa Pilipinas, Australia, China, Thailand, Indonesia, Singapore, Vietnam at New Zealand.
Sinisilip pa rin ng Malaysian authorities ang anggulo na posibleng nagtangkang bumalik ang eropÂlano sa Subang airport nang magkaroon ng problema ito habang humina ang teorya na “terorismo†ang sanhi pagkawala ng eroplano nang lumitaw na dalawang Iranian nationals ang gumamit ng pekeng pasaporte na ang layunin ay mag-migrate lamang sa Europa at daÂdaan lang sa Beijing mula Kuala Lumpur.