MANILA, Philippines - Inamin ng Palasyo na lumobo ang bilang ng tambay sa bansa sa taong ito.
Sa ulat ng National Economic Development Authority (NEDA) pumalo na sa 7.5 percent ang unemployment rate nitong Enero o mas mataas ng .4 percent kumpara sa 7.1 percent noong 2013.
Sinabi ni NEDA Director General Arsenio Balisacan, ang pinakaÂmabigat na dahilan nito ay ang sunud-sunod na kalamidad na puminsala sa kabuhayan at mga negosyo sa Central Luzon, Eastern Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.
Bilang tugon sa problema, sinabi ni Coloma na mas paiigtingin ng pamahalaan ang employment opportunities sa mga lugar kung saan nagkaroon ng migration ng mga biktima ng kalamidad o sa pinakamalapit na bayan at lalawigan.
Aniya, tutulungan din ng pamahalaan ang mga job applicants na makakuha ng mga dokumento na nasira ng Yolanda at iba pang kalamidad.
“Ito ying mga praktikal na pangangailaÂngan na nakakaapekto doon sa employability ng mga naghahanap ng trabaho kaya tinutukoy at tinututukan ito ng ating pamahalaan para maibsan ‘yung problema ng kawalang hanapbuhay na nakita nating tumaas nang bahagya dahil sa mga kalamidad na naranasan ng ating bansa,†dagdag pa ng kalihim.