MANILA, Philippines – Binisia ni Vice President Jejomar Binay ngayong Lunes ang mga residente ng Xevera Homes sa Pamapanga, ang isa sa mga pabahay ni Delfin Lee ng Globe Asiatique.
Tiniyak ni Binay ang mga umano’y naloko ni Lee na hindi sila pababayaan ng gobyerno upang makamit ang hustisya.
Kasunod nito ay hinimok ng chairman ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG) ang mga residente na magsampa ng kaso laban kay Lee na dalawang taon nagtago bago nadakip nitong nakaraang linggo.
Kaugnay na balita: Pag-aresto kay Lee, legal! - Palasyo
"Pwede ba, 'yung mga naloko. Maghabla po tayo. Parati na lamang na sinasabi na ang pamahalaan ay walang ginagawa. Wala po talagang magagawa ang pamahalaan kung hindi po tayo magrereklamo," pahayag ni Binay.
"Kayo pong mga nandito, huwag po kayong mag-aalala. Laban ho tayo. Nasa panalo po tayo. Walang dahilan para matalo po ito sapagkat pawang katotohanan lamang ho ito.â€
Nahaharap sa kasong P6.65-billion syndicated estafa si Lee matapos gumamit ng iba’t ibang pangalan para makakuha ng pautang sa Pag-IBIG.