MANILA, Philippines – Itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert level sa Venezuela dahil sa pagtaas ng tension sa naturang bansa.
Mula sa precautionary phase, iniakyat na ng DFA ang babala sa level 2 o restriction phase kung saan inabisuhan ang mga Pinoy na iwasang lumabas ng kani-kanilang mga tirahan at maghanda sa posibleng paglikas.
"Filipinos in the area are advised to limit non-essential movements, to avoid public places, and to prepare for possible evacuation," pahayag ng kawanihan.
Tanging mga overseas Filipino workers na may kasalukuyang kontrata ang pinapayagan ng embahada na makabalik ng Venezuela.
Lagpas 100 Pilipino ang nananalagi sa naturang bansa na binabalot ng tensyon dahil sa panawagang pagbaba sa puwesto ng kanilang Pangulong si Nicolas Maduro.
Umabot na sa 21 katao ang nasawi dahil sa kaguluhan.