Napoles mahirap ilipat ng kulungan

MANILA, Philippines - Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na hindi madaling ilipat sa ordinaryong piitan ang pinagbibintangang pork scam queen na si Janet Lim Napoles.

Tugon ito ni de Lima sa mga panawagan na alisin na sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna si Napoles dahil sa umano ay nabibigyan lamang ng special treatment.

Ngunit ayon sa kalihim, masusi naman nilang pinag-aaralan ang mga panawagan dahil ayaw nilang masayang ang pagkakataon na maisipan ni Napoles na magsalita tungkol sa kanyang nalalaman sa PDAF scam.

Bagaman at kinikilala ni de Lima na lehitimong mungkahi ang panawagan na ilipat si Napoles ng ordinaryong bilangguan kung saan mas maluwag ang seguridad, hindi umano iyon ganun kadali dahil kailangang alamin nila nang husto ang maaari nitong idulot sa kaso ng pork barrel fund.

Umaasa pa rin ang kalihim sa posibilidad na  ibunyag na ni Napoles ang lahat ng kanyang nalalaman sa mga nakinabang o sangkot sa kontrobersiyal na paggamit ng pork barrel scam.

Si Napoles ang itinuturong utak sa paglustay ng pork barrel fund at siya rin umano ang direktang nakatransaksyon ng mga mambabatas na nakinabang mula sa kanilang PDAF.

 

Show comments