MANILA, Philippines - Bubusisiin na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kung nakakabaÂyad ng tamang buwis sa pamahalaan ang mga kumpanya ng bus na may mga unit na nasasangkot sa mga madudugong aksidente sa lansangan.
Ito ayon kay BIR Commissioner Kim Henares ay upang malaman kung ang mga tinaguriang “Metro Manila’s Most Dangerous Bus Operators†ay nagpa-file ng kanilang income tax returns (ITR) sa ahensiya o kung mayroon silang mga identification numbers (TINs).
Sinasabing ang pagbusisi ng BIR sa mga bus company na may pinaka maraming sangkot na aksidente ay ginawa ng ahensiya makaraang ipalabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang talaan ng “most dangerous buses†sa Metro Manila mula taong 2010 hanggang 2011 na may pinakamaraming namamatay at nasusugatan at nawawasak na ari-arian dahil sa mga aksidente.
Sa inisyal na talaan ng BIR, ilan sa mga bus companies na hindi nag-file ng kanilang ITR noong taong 2012 ay ang Gasat Express, Joyselle Express at Philippine Corinthian Liner na nabibilang sa mga bus companies na may kinasasangkutang aksidente sa kalye.
An EM Transit Service at AM Liner naman ay walang TIN na nagpapatunay na sila ay hindi nagbabayad ng kaukulang buwis sa pamahalaan.Wala rin umanong naibabayad na buwis ang Philippine Corinthian Liner at JELL Transport Inc. sa BIR.
Ang Nova Auto Transport ayon sa BIR ang may pinaka mababang naidekÂlarang income tax due noong 2012 na umaabot sa 0.21 percent lamang samantalang ang mga bus company na nasangkot sa aksidente nitong mga nakaraang linggo tulad ng GV Florida, MT. Province Cable Tours at Don Mariano Transit ay walang deficiencies sa BIR.