MANILA, Philippines - Gusto na bang buwagin ni Pangulong Aquino ang Presidential Communications Strategic Development Planning Office (PCSDPO) na binubuo ng speech writers group sa ilalim ng pamumuno ni Usec. Manolo Quezon?
Kahapon ay inanunsiyo pa ni Pangulong Aquino sa pagdiriwang ng 28th anniversary ng EDSA People Power 1 na ginanap sa Cebu City na hindi na niya babasahin ang inihandang speech ng kanyang writers dahil sa hindi niya nagustuhan ang nilalaman nito.
“Kung papansinin po n’yo, wala po akong teleprompter itong araw na ito. Hindi ko nagustuhan ang talumpating ginawa. Kaya pagpapasensyahan n’yo kung medyo paikot-ikot ang ating talumpati itong araw na ito dahil gusto kong malaman n’yong galing po sa puso ito,†wika ni PNoy sa kanyang mensahe sa mga Cebuanos.
Hindi ito ang unang pagkakataon na hindi binasa ng Pangulo ang inihandang speech nito ng kanyang mga writers mula sa PCSDPO.
Ang nasabing tanggapan ay dating pinamumunuan ni Sec. Ricky Carandang na nagbitiw sa kanyang puwesto noong Disyembre.