19 degrees sa Metro Manila - PAGASA

NOAH-DOST

MANILA, Philippines — Muling nananaig ang malamig na temperatura sa bansa dahil sa patuloy na epekto ng hanging Amihan ayon sa state weather bureau ngayong Martes.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na bumagsak sa 19 degrees Celcius ang temperatura kaninang alas-5 ng umaga sa Metro Manila.

Maulap na papawirin na may mahinang pag-ulan ang asahan sa probinsiya ng Quezon at Aurora.

Makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan ang Metro Manila at buong Luzon, Visayas at Mindanao na may pulu-pulong pag-ulan.

Nauna nang sinabi ng PAGASA na mararanasan ang malamig na panahon hanggan katapusan ng Pebrero at simula ng Marso.

Show comments