MANILA, Philippines - Inilunsad ngayon ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig at ng lokal na Bureau of Fire Protection (BFP) ang mas pinatinÂding information at education campaign para makaiwas sa sunog.
Sinabi ni Mayor Lani Cayetano na ang unang dapat gawin ay ang armasan ng kaalaman ang mga mamamayan hinggil sa mga posibleng pagmulan ng sunog, gayundin ang mga dapat at hindi dapat gawin sa sandaling magkaroon ng sunog.
Ang malawakang information campaign na gagawin ng BFP ay isa lang sa aktibidad ang nakahanay simula sa buwan ng Marso sa layuning ipakalat ang kahalagahan ng fire prevention and safety. Una sa mga ito ang Motorcade and Unity Walk na magtataas sa kaalaman ng publiko sa panganib na dulot ng sunog.
Ang pagpapaigting ng kampanya sa pag-iwas sa sunog ay buong taong commitment ng pamahalaang lungsod at ng BFP para matiyak na ligtas sa sunog ang mga Taguigueno.