MANILA, Philippines - Sasalubungin ng kilos-protesta ng mga militanteng grupo si Pangulong Benigno Aquino III ngayong araw sa paggunita ng EDSA People Power revolution sa Cebu City.
Inihayag ng Kilusan Para sa Pambansang DeÂmokrasya ang kanilang mariing pagtutol sa Cybercrime Law na kinatigan kamakailan ng Korte Suprema.
Ayon kay Emalyn Aliviano, spokesperson ng Kilusan Para sa Pambansang Demokrasya, nais nilang ipaabot kay Pangulong Aquino sa pagpunta sa Cebu ang hinaing ng mamamayan at mahigpit na pagtutol sa Cybercrime law na kikitil sa malayang pamamahayag.
Nakatakdang dumating ngayon ang Pangulong Aquino sa Cebu City upang doon gunitain ang ika-28 taong anibersaryo ng EDSA 1 na nagluklok sa kanyang ina na si yumaong Pangulong Cory Aquino at nagpatalsik naman kay yumaong Pangulong Ferdinand Marcos noong Feb. 25, 1986.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gugunitain ang anibersaryo ng EDSA 1 sa labas ng Metro Manila at sa Cebu City gaganapin.
Sa Capitol grounds ng Cebu City din gaganapin ngayong umaga ang makasaysayang ‘salubungan’ subalit wala naman ang mahahalagang persoÂnalidad ng EDSA tulad nina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile at Sen. Gringo Honasan.
Ikinatwiran ng Malacañang na hindi ang mga personalidad ang mahalaga sa pagdiriwang ng EDSA anniversary kundi ang diwa ng EDSA.