MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ni Senador Grace Poe ngayong Lunes ang kredebilidad ng pinakabagong “provisional†state witness na si Dennis Cunanan sa imbestigasyon ng bilyung-bilyong pork barrel scam.
Sinabi ni Poe sa isang panayam sa telebisyon na natatangi si Cunanan mula sa iba pang testigo dahil siya lamang ang opisyal ng gobyerno.
"Here's my only apprehension about Mr. Cunanan: One thing is the difference between him and the other whistleblower, is he was ... a government employee," wika ng baguhang senadora tungkol sa dating opisyal ng Technology Resource Center (TRC).
Kaugnay na balita: Cunanan isa na ring 'provisional' state witness sa pork scam
Dahil dito ay nagtaka si Poe kung bakit hinayaan pa ni Cunanan na mangyari ang pangungurakot ng mga mambabatas gayong puwede naman niya itong pigilan.
"His responsibility is much higher than those others. There's the question again of his own impropriety," banggit ni Poe.
"If in case we accept him, he should not be allowed anymore to take any government position or even in a private institution that will have to deal with any govt contracts. Why? Because it was his responsibility to prevent those things from happening," dagdag niya.
Upang makasiguro sa katapatan ni Cunanan at iba pang lulutang na testigo, nais ni Poe na ipasilip ang kani-kanilang mga Statements of Assets, Liabilities and Net Worth.
"Maybe before we accept other whistle-blowers [who are] government officials, let's ask for their SALN, do a lifestyle check, things like that," mungkahi ng senadora.
Humarap sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee si Cunanan nitong nakaraang linggo at idiniin sina Senador Jinggoy Estrada, Ramon Revilla, Jr. at Juan Ponce Enrile na nakikipagsabwatan umano sa itinuturong utak ng pork scam na si Janet Lim-Napoles.