MANILA, Philippines - Bibili ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng 41 units ng brand new industrial type airport rescue firefighting vehicles upang pag-ibayuhin ang fire fighting capability ng mga ito sa mga major commercial airports sa bansa. Napag-alaman, pinagbubuti ng gobyerno at pinatataas ng antas ng mga ito ang mga fire trucks at iba pang communication equipment facilities sa CAAP run airports para makasabay sa global aviation standards. Ang mga bagong fire truck na tinatawag na Aircraft Rescue and Fire Fighting vehicle (ARFF) ay pasado sa internatioÂnal 3rd party certification agency at pumantay sa National Fire Protection Association (NFPA), FAA and ICAO international standards for aircraft and rescue fighting. May 81 airports ang nasa ilalim ng CAAP, 41 sa mga ito may operasyon sa commercial flights. Ang commercial airports ay may imbentaryo ng 97 fire trucks pero karamihan sa mga ito ay nabili noon pang 1968 kaya sa tagal ay napakahirap hanapan ng piyesa.