P1M multa sa may-ari ng colorum bus

MANILA, Philippines - Gagawing P1 milyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board  (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) ang multa na ipapataw sa may-ari ng colorum bus.

Samantalang aabutin naman ng P200,000 ang ipapataw na penalty sa may-ari ng colorum na UV express units, habang P120,000 pe­nalty sa may ari ng colorum na taxi at P50,000 pe­nalty sa colorum na jeep.

Ang mga unit naman na sangkot sa ope­rasyong colorum ay iimpound ng naturang mga ahensiya.

Sinabi ni LTFRB Chairman Wi­n­s­ton Gines na maaari ring makansela ang franchise ng sinumang may-ari ng mga  for hire vehicles na lalabag sa itinatakda ng mga batas at patakaran ng ahensiya para sa ope­rasyon ng mga public utility vehicles.

Anya, ang panukalang itaas ang multa sa mga nag-ooperate ng colorum vehicles ay para madisiplina ang mga may-ari ng sasakyan na pumapasada ng walang kaukulang dokumento. Ang multa ay batay umano sa halaga ng isang unit ng sasakyan.

Show comments