MANILA, Philippines - Good news sa mga empleyado!
Nagkasundo na ang dalawang kapulungan ng Kongreso na taasan ang limit sa tax exemption sa 13th month pay at iba pang bonuses.
Ayon kay Senate President Franklin M. Drilon, panahon na upang amiyendahan ang batas upang mas maging mataas ang tax exemption sa 13th month pay
Ang panukala ay nakapaloob sa Senate Bill No. 256, na isinulong ni Senate Pro-Tempore Ralph Recto na kabilang sa mga tinatawag na “pro-consumer legislationâ€.
Kapag naging ganap na batas, tataasan ang tax exclusion limit sa 13th month pay, Christmas bonus, at iba pang work benefits at ipapako sa P75,000 mula sa kasalukuyang P30,000.
Sinabi ni Drilon, nararapat lamang maipasa ang panukala bilang tulong sa mga pampubliko at pribadong manggagawa na patuloy na tinatamaan ng pagtaas ng mga bilihin.