Hospital arrest hirit ni Napoles

MANILA, Philippines - Humihirit ng hospital arrest ang kampo ni Janet Lim-Napoles, ang itinuturong utak sa P10 bilyong pork barrel scam dahilan umano sa suspetsang may tumor ito sa matris.

Ayon kay Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, hepe ng PNP-Public Information Office, hiniling ng kampo ni Napoles sa Makati Regional Trial Court (RTC) 150 na payagan itong makapagpa-check-up sa St. Luke’s Hospital sa Bonifacio Global City, Taguig.

Sinasabing si Napoles ay dumaranas rin ng grabeng ‘menstrual bleeding’‘ sa loob ng siyam na araw na hinihinalang sanhi ng tumor nito sa kaniyang matris.

Noong Oktubre 24 , 2013 ay isinugod ng PNP-SAF si Napoles sa Southern Luzon Hospital and Medical Center matapos dumanas ng grabeng pananakit ng tiyan. Sa CT scan ay nakitaan ito ng sintomas ng tumor sa matris.

Show comments