MANILA, Philippines - Nagbabala ang isang constitutionalist na maaring labagin mismo ng Supreme Court ang Saligang Batas sakaling desisyunan nito ang petisyon laban sa Disbursement Acceleration Program (DAP).
Sa pagpapatuloy kahapon ng oral argument, inihayag ni retired Associate Justice Vicente Mendoza na isang paglabag sa tinatawag na “separation of power principle†sa ilalim ng Saligang Batas kapag nagdesisyon ang Supreme Court sa constitutionality ng DAP.
Iginiit ni Mendoza na wala naman kasing grave abuse of discretion na nagawa sa panig ng Malacanang.
Dagdag pa ni Justice Mendoza, pwede lang manghimasok ang Supreme Court sa political question o question of poÂlicy kapag may grave abuse of discretion sa panig ng ehekutibo.
Binigyan diin ni Mendoza na wala namang actual controversy o kaso at hindi naman aggrieve party o walang natamong pinsala ang mga petisyuner.
Paliwanag ni Justice Mendoza, ang dapat na ginawa ng mga petisyuner ay nagreklamo sa Commission on Audit (COA) o nagsampa ng kaso kung ang isyu ay maling paggamit ng public fund.
Ipinaalala rin ni Justice Mendoza na limitado ang power of judicial review ng Korte Suprema kapag may actual case o controversy na sa DAP ay wala naman.
Ang retiradong mahisÂtrado ang kumatawan sa Kamara sa naturang usapin. Ipinababasura niya rin ang mga petisyon laban sa DAP.
Sa pagtatapos ng oral argument, binigyan ni CJ Maria Lourdes Sereno ang magkabilang panig na maghain ng memoranda.