MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang onsehan sa bawal na droga ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 31-anyos na babae ng kanyang kainuman na sinasabing ex-convict sa Malabon City kahapon ng madaling-araw.
Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Rodella Paloma ng Halaan Street, Barangay Longos sa nasabing lungsod.
Samantala, pinaghahaÂnap naman ang suspek na si Arman Diaz, 34, ng Phase 2-B, Dagat-Dagatan, Brgy. Longos at kalalabas lamang ng kuÂlungan nitong Pebrero sa kasong pagtutulak ng bawal na droga. Base sa police report, naganap ang pamamaril bandang alas-12:45 ng maÂdaling araw habang nag-iinuman ang biktima at ang suspek.