MANILA, Philippines - Isang magsasaka ang kumpirmadong namatay habang limang iba pa ang malubhang nasugatan makaraang mahulog ang sinasakÂyan ng mga itong SUV sa may 55 metrong lalim na bangin sa Barangay Ambassador, bayan ng Tublay, Benguet noong Sabado ng hapon.
Sa report ni Cordillera PNP Director P/Chief Supt. Isagani Nerez, kinilala ang namatay na si Anselmo Mirason, 58, ng Bokod, Benguet.
Patuloy namang ginaÂgamot ang mga sugatang sina Willy Licwasen, 17; Alex ConstinoÂ, 70; Dindo ConsÂtino, 21; Lito Mirason, driver ng Toyota Hi-Lux (TTF 652) at isa pang biktima na hindi natukoy ang pangalan.
Base sa imbestigasÂyon, naganap ang trahedya habang bumabagtas ang nasabing SUV sa matarik na bahagi ng highway.
Agad namang sumaklolo ang mga residente at mga rescuer ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa Benguet upang maisugod sa pagamutan ang mga biktima.
Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng malagim na sakuna kung saan ilang insidente na ang naitala sa rehiyon.
Magugunita na mahigit isang linggo pa lamang ang nakalipas ay nasa 14 na ang namatay habang 30 naman ang nasugatan kabilang ang musikerong si David Sicam at komedyanteng si Arvin “Tadoâ€Jimenez matapos na mahulog sa may 120 metrong lalim na bangin ang Florida bus sa Bontoc, Mountain Province.