FOI bill inaasahang maipapasa na

MANILA, Philippines - Tiwala si Senator Grace Poe na maipapasa na sa ikalawang pagbasa ang kontrobersiyal na Freedom of Information Bill magsisimula na ang tinatawag na “period of amendments” sa susunod na linggo.

Naniniwala si Poe na mahalagang maging isang ganap na batas ang panukala upang maging bukas sa publiko ang mga mahahalagang impormasyon at mga transaksiyong pinapasok ng gobyerno.

“We are hopeful that the FOI will make it to the list of important laws that our citizens can lean on,” pahayag ni Poe, chair ng Committee on Public Information and Mass Media.

Nakatakdang amyen­dahan ang ilang probis­yon ng panukala sa susunod na linggo dahil natapos na ang interpelasyon noong Pebrero 11.

 

Show comments