PNoy pumila sa LTO para mag-renew ng lisensiya

Hawak ni Pangulong Aquino ang bago niyang driver’s license matapos mag-renew kahapon sa LTO-Tayuman. (Malacañang Photo)

MANILA, Philippines - Nag-renew kahapon ng kanyang driver’s license si Pangulong Aquino, dalawang araw bago sumapit ang ika-54 kaarawan nito sa Pebrero 8.

Katulad ng ordinaryong applicant ay pumila ang Pangulo sa Land Transportation Office (LTO)-Tayuman branch na sinamahan nina DOTC Sec. Jun Abaya at PCOO Usec. Rey Marfil.

Ikinagulat ng ibang aplikante ang pagpila ng Pa­ngulo sa halip na dumaan sa “VIP” treatment upang mabilis na makakuha ng lisensiya. Tumagal din ng halos­ isang oras bago nito natapos ang kanyang renewal.

Sinamantala naman ng mga aplikante na mag­pakuha ng litrato habang nakapila ang Pangulo.

Ayon kay Marfil, walang special na plano si PNoy para sa kanyang nalalapit na kaarawan sa Peb. 8.

 

Show comments