MANILA, Philippines - Iniutos ni Pangulong Benigno Aquino III bilang commander-in-chief sa militar ang pagtugis sa grupo ni Ameril Umbra Kato ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) matapos makatakas sa dragnet sa MaguinÂdanao.
Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr. na, sa kabila ng anunsyo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tinatapos na nila ang Operation Darkhorse II laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) dahil nakubkob na ang kanilang pinakamalaking kampo nito, iniutos pa rin ng Pangulo ang pagtugis sa lider ng grupo.
Ayon kay Sec. Coloma, pinatitiyak ni PaÂngulong Aquino sa militar ang kaligtasan ng mga mamamayan laban sa anumang karahasan.
Wika pa ni Coloma, hindi titigilan ng gobyerno ang mga kaaway ng republika at mananatiling proactive ang kanilang pagkilos.
Hindi naman daw nagkulang ang mga sundalo sa kanilang tungkulin bagama’t bigong makuha si Kato na napabalitang na-stroke, maging ang kanyang kanang kamay na si Muhaiden Animbang na sinasabing bagong kumander ng BIFF,†dagdag pa ni Coloma.