Puerto Princesa City, Philippines - – Nagising na lamang kahapon ng umaga ang mga residente at turista sa prime destination city na ito na walang baboy o karne sa kanilang mga palengke dahil sa protestang isinagawa ng mga manggagawa at magkakarne ng matadero sa lungsod.
Inirereklamo ang hindi pagbabayad sa kanila ng night differentials, over time at 13th month pays, nais din ng mga nagpoprotestang butcher na masigurong ang fees na ibinabawas sa kanilang suweldo ay napupunta sa SSS, Pag-ibig at PhilHealth. Hiniling din nila na maging permanente sa trabaho makaraang i-empleyo ng Areza-Cruz Realty Development Co. sa nakalipas na 10 buwan.
Ang operasyon at pangangasiwa sa moÂdern slaughterhouse ng Puerto Princesa, kasama ang mga luma at bagong public markets at bus at jeepney terminal – pangunahing pinagkakakitaan ng lungsod – ay isinaÂpribado noong March 22, 2013 sa ilalim ng 30-year Contract of Lease na nilagdaan ni dating Mayor Hagedorn sa halagang P7M kada taon, at inaprubahan ng city council noong February 28, 2013 sa pamamagitan ng Ordinance No. 554.
Samantala, bilang tugon sa direktiba ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo na kasalukuyang nasa Metro-Manila, kinausap ni Vice Mayor Luis Marcaida III ang mga butcher upang tiyakin sa mga ito na makikipag-ugnayan ang City Government sa Areza-Cruz upang masolusyunan ang kanilang mga problema, at hilingin sa mga ito na bumalik na sa kanilang mga trabaho, na positibo naman nilang tinanggap at nangakong agad na babalik sa kanilang trabaho.