MANILA, Philippines - Nanawagan si Iloilo Congressman Jerry Trenas sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na hulihin na ang mga luma at depektibong mga pampasaherong bus at truck na dapat ibenta na lang sa magbabakal.
“Hindi na dapat i-renew ng LTFRB ang rehisÂtrasyon ng mga bus at trak na napakaluma na, mapanganib at hindi na karapatdapat bumiyahe sa mga lansangan. Karaniwan nang makakakita rito ng mga bus at truck na smoke-belchers na indikasyon ng depektibong makina, sirang gulong, at halos magkabaklas-baklas na ang mga bahagi. NapaÂkalaki ng mga sasakyang ito at lubhang mapanganib kapag ipinamaneho sa mga kaskaserong driver,†babala ni Trenas.
Tungkulin anya ng LTFRB na ipatupad ang mahigpit na mga rekisitos sa mga operator ng bus at truck para matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Bukod sa mga kaskaserong pagmamaneho, kabilang sa pangunahing sanhi ng mga aksidente ang hindi namamantining mga sasakyan.
Idinagdag niya na dapat nang itigil ng LTFRB ang pagrerehistro ng mga re-conditioned bus na gawa sa mga surplus parts at hikayatin ang paggamit ng hybrid at electric buses, coasters at vans sa pamamagitan ng tax credits at iba pang financial perks.
Dahil anya sa sobrang ganid sa tubo, maraÂming bus at cargo trucking operator ang hindi nagsasagawa ng regular na pagmamantina ng kanilang mga sasakyan.
Kasabay nito, pinuri ni Trenas ang hakbang ng LTFRB na ipatupad na ang panukalang atasan ang mga bus at truck operator na magpakabit ng speed limiter sa kanilang mga sasakyan.