MANILA, Philippines – Magsasagawa ng inspeksyon ang Philippine National Police sa lahat ng kulungan sa buong bansa kasunod nang pagkabuking ng “wheel of torture†sa loob ng isang kampo ng pulis sa probinsiya ng Laguna.
Sinabi ni PNP public information office head Chief Superintendent Reuben Theodore Sindac na maglilibot ang mga kinatawan ng Directorate for Investigation and Detective Management and the Human Rights Affairs Office sa mga regional, provincional, city at municipal jails sa buong bansa.
Kaugnay na balita: Sa nabistong ‘wheel of torture’ ng pulis Random check sa mga piitan inutos
Nais ng PNP na masilip ang kalagayan ng mga preso sa loob ng kanilang mga selda.
Sinabi pa ni Sindac na bukod sa pagbibilang ng mga preso, sisilipin rin nila ang bawat kaso upang malaman ang kinakaharap ng mga ito.
Dinepensahan din ng public information office head ang buong kapulisan sa bansa.
"And isolated as it is, this particular incident in Laguna does not reflect a pervasive situation or a systematic practice among police units.â€
Una nang sinibak sa puwesto ang 10 miyembro ng Provincial Intelligence Branch (PIB) personnel ng Laguna Police matapos na ireklamo ng pag-torture sa mga detainees na itinali sa umiikot na roleta na kahalintulad ng ginagamit sa peryahan at iba pa. Ang insidente ay nadiskubre nito lang Enero bagaman nag-umpisa pa ito noong Disyembre 2013.
Ayon kay Sindac, sa pamamagitan ng pag-iinspeksyon sa mga selda ay malalaman kung may ibang pulis na gumagawa ng pag-torture upang paaminin sa mga kasalanan ang mga nasasakoteng suspek sa kanilang hurisdiksyon.