BIR pasok sa negosyo, yaman ni Cedric Lee

MANILA, Philippines - Bubusisiin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang yaman at mga negosyong pinapatakbo ni Cedric Lee na sinasabing nambugbog sa actor na si Vhong Navarro.

Sinabi ni BIR Commissioner Kim Henares, ang pag-imbestiga ng ahensiya sa mga negosyo ni Lee ay gagawin dahil napag-alaman nilang isa sa business partners ni Lee ay si Tyrone Ong, na nakulong dahil sa mga kasong tax evasion, graft at malversation. 

Si Ong ang pribadong contractor ng Philippine National Police (PNP) sa umano’y maanomalyang pagbili ng armored vehicle.

Binigyang diin ni Henares na kung nagbabayad naman ng tamang buwis si Lee mula sa mga kumpanyang pag-aari nito o walang maling deklarasyon sa kanyang kita o buwis ay wala namang magiging problema.

Sinasabing si Lee ay may hinahawakang halos limang kumpanya na siya ang presidente nito.

 

Show comments