Ex-NBI Dir. Epimaco Velasco pumanaw na

MANILA, Philippines - Sa edad na 78, pumanaw si dating NBI Director Epimaco Velasco.

Ayon sa kanyang pamilya, si Velasco ay binawian ng buhay sa Divine Grace Hospital dakong alas-8:30 ng umaga dahil sa atake sa puso.

Nabatid na isinugod kahapon sa pagamutan si Velasco at na-confine pa sa Intensive Care Unit (ICU) bago ito tuluyang mamaalam.

Si Velasco ay nagsilbing NBI Director mula 1992 hanggang 1995.

Nanungkulan din siya  bilang gobernador ng Cavite mula 1995 hanggang 1998 at DILG Secretary mula Pebrero  4, 1998 hanggang Mayo 30, 1998. Naisa-pelikula rin ang makulay na buhay ni Dir. Velasco.

Siya ay ang ama ni dating Cavite Prosecutor Chief Manny Velasco na pumanaw na rin noong  Mayo 20, 2013 dahil din sa atake sa puso.

 

Show comments