MANILA, Philippines - Malamang na magkulang ang bansa sa suplay ng mga isdang tabang tulad ng bangus at tilapia dahil sa pagkamatay ng naturang mga isda sa Taal Lake partikular sa apat na barangay sa Talisay, Batangas.
Ayon kay Arlan GarÂcia, local chief ng Bgy. Sala Balete, Batangas, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga patay na isda dahil nagkukulang sa hangin ang lawa bunsod sa umano’y lason ng sulphur sa marine life sa lawa.
Anya, mula January 17 nagkulay blue-green na ang katubigan sa lawa sa Bgy. Sala at umabot na sa Bgys. Aya, Quiling, Sampaloc at Tumaway sa Talisay.
“The total allowable fish cages in Taal Lake is 6, 000 units and one third or 2, 000 units of which is allotted for the town of Talisay,†pahayag ni Regional Director EsmeÂralda Paz Manalang ng Calabarzon.
Bunga nito, umaabot na anya sa 70 tonelada ng bangus at 50 tonelada ng tilapia ang nasasaÂyang doon o kabuuang 120 tonelada ng natuÂrang mga isda na may kabuÂuang halaga na P10.5 milyon.
Pinayuhan na ni BFAR director Asis G. Perez ang mga fish cage operators na anihin na ang kanilang mga tilapia at bangus para makaiwas sa pagkalugi.
Sinasabing ang nararanasang sulfur upwelling doon ay nagsimula pa noong 2000 na epekto na rin ng climate change at ng mga basura na likha ng mga residente roon.