MANILA, Philippines – Itinanggi pa rin ng negosyanteng si Davidson Bangayan na siya at si “David Tan†ang itinuturong nasa likod ng bilyung-bilyong rice smuggling sa bansa ay iisa.
Humarap sa pagdinig ng Senate committee on agriculture and food si Bangayan ngayong Miyerkules kung saan kinuwestiyon siya ng ilang senador.
"My name is Davidson Bangayan. I'm not David Tan," pahayag ng negosyante.
Pero iginiit ni Justice Secretary Leila de Lima na iisang tao lamang si Bangayan at Tan.
Kaugnay na balita: Kaugnay na balita: Davidson Bangayan at 'David Tan' iisa lang
Naglatag si De Lima ng ilang testigo at ebidensya upang mapatunayan ang kanilagn akusasyon kay Bangayan.
Kabilang sa ebidensya ang kasong libel na inihain ni Bangayan noong 2005 laban kina Federation of the Philippine Industry (FPI) president Jesus Arranza at apat pang iba.
Nakasaad sa affidavit ni Bangayan na gamit niya ang alyas na David Tan.
"Clearly, the foregoing publication categorically imputed to me and our company, Advanced Scraps Specialists Corp., the following wrongful acts, namely, swindling and contraband shipment. Likewise, the identification of the person in the subject publication definitely referred to me, considering that there is no other person by the name Davidson Banagyan a.k.a. David Tan. There is no question that I was clearly and directly identified in the subject publication," nakalagay sa reklamo ni Bangayan laban kay Arranza.
"Malinaw po 'yung admission niya dito na siya si David Tan," pahayag ni De Lima.
Bukod sa affidavit ni Bangayan, nakakuha rin ng dalawang testigo ang National Bureau of Investigation kung saan tinawag ng isa ang negosyante bilang “DT.â€