MANILA, Philippines - Isa sa dalawang Pinoy ang naniniwalang bumagsak ang ekonomiya ng bansa sa nakalipas na 12 buwan.
Ito ay batay sa resulta ng ginawang survey ng Pulse Asia noong Disyembre 8-15, 2013.
Batay sa survey, 11 percent lamang ang naniwalang gumanda ang ekonomiya ng Pilipinas habang 40 percent ang nagsabing walang nakitang pagbabago sa ekonomiya ng bansa.
Tumaas naman ng 21 percent ang bilang ng mga naniniwalang lumala ang ekonomiya ng bansa.
Kabuuang 43 percent naman ng mga Pinoy ang naniniwalang lumala ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan kumpara noong Setyembre na nasa 35 percent lamang.
Nasa 45 percent naman ng mga Pinoy ang naniniwalang walang magiging pagbabago sa kanilang kalidad ng kanilang pamumuhay sa susunod na 12 buwan.
May 67 percent naman ng mga taga Visayas at 51 percent na taga Mindanao ang nagsasabing bumagsak ang ekonomiya ng bansa sa nakalipas na 12 buwan.
Karamihan naman ang nagsasabing matindi silang naapektuhan ng pagbagsak ng ekonomiya ng bansa -79 percent sa Visayas, 58 percent sa Luzon, 57 percent sa Mindanao at 51 percent sa Metro Manila.
Habang 79 percent naman mula sa NCR ang nagsasabing nag-improve ang kanilang buhay, 67 percent sa Luzon at 64 percent sa Visayas.