MANILA, Philippines – Sinagot ni Justice Secretary Leila de Lima ang pambabatikos sakanya ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte tungkol sa isyu ng rice smuggling sa bansa.
Sinabi ni De Lima na ginagawa ng Department of Justice ang kanilang trabaho upang madakip ang nasa likod ng rice smuggling na kilala lamang sa pangalang “David Tan.â€
"Huwag po kayong mag-alala, Mayor Duterte. Nagtatrabaho po kami. Hindi po kami nagpapabaya gaya ho ng sinasabi ninyo," sagot ni De Lima sa pahayag ni Duterte.
Pinayuhan ni Duterte si De Lima na huwag puro publicity ang atupagin bagkus ay gawin ang nakaatas na trabaho.
Kaugnay na balita: Duterte kay De Lima: Mahina kayo, mahiya naman kayo!
"You failed to build a case because all you wanted was publicity ... Ganun kayo kahina," pahayag ni Duterte nitong Linggo sa state-run television show na Gikan sa Masa Para sa Masa.
"Why, you just opened your mouth for publicity, I’m telling you to stop talking and start working, you walk your talk and talk your walk," dagdag niya.
Sagot naman ni De Lima:"Everybody is aware that he’s (Duterte) got a lousy mouth.â€