Revilla magsasalita ngayon sa ‘pork’ scam

MANILA, Philippines - Magsasalita na nga­yon sa pamamagitan ng privilege speech sa Senado si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. matapos siyang idawit sa pork barrel scam noong nakaraang taon.

Isa-isang sasagutin ni Sen. Revilla ang mga akusasyon sa kanya na nakinabang ito sa pork barrel gamit ang bogus NGO ng kontro­bersyal na negosyanteng si Janet Lim-Napoles na sinasabing utak ng P10 bilyon pork barrel scam.

Nanahimik noon si Revilla at sinabing magsasalita siya sa tamang oras kasabay ang kahilingan sa taumbayan na unawain siya sa isyu matapos akusahang nagbulsa ng P224.51 milyong kickbacks.

Aminado ang senador na lugmok siya dahil sa isyung kinasasangkutan pero iginiit na babangon siya kasama ang pamilya at lilinisin ang kaniyang pangalan.

Una nang nagbigay ng kanilang talumpati sina Sen. Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada na kasama ni Revilla na kinasuhan ng plunder sa Ombudsman noong 2013.

 

Show comments