P8 M pondo para sa kidney patients ng QC

MANILA, Philippines - Mula sa halagang P5 milyon, itinaas na ng QC government sa P8 milyon ang laang pondo para libreng makapagpagamot ang mga kidney patient ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) na taga QC at para sa mga empleyado ng QC hall.

Ito ay naisagawa sa ilalim ng isang amended memorandum of agreement na nilagdaan ni QC Mayor Herbert Bautista at NKTI executive director Dr. Jose Dante Dator.

Ang proyektong ito ay nagsimula noong May 12, 2013 hanggang May 11, 2016 o tatlong taong programa ng lokal na pamahalaan para mabigyan ng maayos na gamutan at mapangalagaan ang kalusugan ng mga kidney patients ng QC.

Ang programang ito ay ipinatutupad sa ilalim ng “Handog sa Bayan” free medical at health services kasama na ang hospital confinement pero hindi lamang kasama sa libre rito ang bayad sa doctor ng mga inpatients at outpatients.

Ang mga pasyente na papailalim sa programang ito ay dapat may ipapakitang refrerral slip para sa NKTI.

Show comments