Rolbak naman

MANILA, Philippines - Magbibigay ng rolbak sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa umpisa ng madaling araw ngayong Lunes.

Sabay-sabay na magsasagawa ng bawas presyo ang Pilipinas Shell, Petron Corp., Seaoil at PTT dakong alas-12:01 ng madaling araw.

Sa advisory ng Shell, nasa P.85 sentimos kada litro ng unleaded at premium gasoline, P.90 sentimos sa kada litro ng diesel, at P1.10 kada litro ng kerosene ang kanilang tatapyasin. Kahalintulad na halaga rin ang ibabawas ng Petron, Seaoil at PTT.

Alas-6 naman ng umaga susunod ang Phoenix Pet­roleum na magbabawas rin ng kahalintulad na halaga sa kanilang gasolina at diesel.

Muling ikinatwiran ng mga tagapagsalita ng mga kumpanya ng langis na ang naturang rolbak ay resulta pa rin ng panibagong paggalaw sa presyuhan sa pandaigdigang pamilihan. 

 

Show comments