MANILA, Philippines - Nakahanda pa rin ang bansang Norway upang mamagitan o bilang facilitator sa peace talks ng Pilipinas at Communist Party of the Philippines (CPP).
Ayon kay Presidential Peace Adviser Teresita Deles, mismong si Norwegian Foreign Minister Broge Brende ang nagkumpirma nito sa kanyang courtesy call sa Palasyo.
Inihayag umano ni Brende na bukas ang kanilang gobyerno upang magsilbing broker sa naunsyaming peace negotiations ng GPH sa CPP-NDF-NPA.
Sinabi ni Deles, lilinawin din nila sa Norway bilang third party facilitator kung ano ang kahulugan ng CPP statement sa kanilang anniversary kamakailan kung saan ay nananawagan ng pagpapatalsik kay Pangulong Benigno Aquino III.
Pero sinabi din ng Palasyo, handa silang muÂling bumalik sa negotiating table sa CPP-NPA pero dapat ay magpakita ito ng kanilang sinseridad sa pakikipag-usap para sa kapayapaan.
Naunsyami ang peace talks ng gobyerno sa communist movement ng umalis ito sa negotiating table noong Feb. 2011.