MANILA, Philippines - Pinahaharap sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) si Batangas Vice Governor Mark Leviste kaugnay ng nasamsam na 84 kilo ng iligal na droga sa isang rancho sa Batangas na pag-aari ng pamilya Leviste.
Sa isang pahinang subpoena na pirmado nina Assistant State Prosecutors Juan Pedro NaÂvera at Irwin Maraya, kasama rin sa pinahaharap sa gagawing preliminary investigation sina Conrad Leviste, ama ni Vice Gov Mark at kakambal ni daÂting Batangas Governor Antonio Leviste; Benny Orense, administrator ng LPL Ranch Estate at ang Corporate Secretary ng LBJ Development Corporation.
Sa isang hiwalay na subpoena, ipinatatawag din ng DOJ si Jorge Gomez Torres alyas “Jorgeâ€, ang umupa sa bahagi ng LPL Ranch kung saan nasamsam ang iligal na droga noong Pasko.
Si Torres na hinihinalang utak ng sindikato ng iligal na droga ay pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad
Una na ring pinasisipot ng DOJ si Dating Governor Leviste sa nabanggit na pagdinig na gagawin sa araw ng Huwebes, Enero 9, 2014.
Kontrobersyal ang pagkakadawit ng paÂngalan ni dating Gov. LeÂviste sa nasabing rancho dahil ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, sakaling mapatunayan na pag-aari nga niya ang rancho at alam niya ang opeÂrasyon ng iligal na droga doon, maari itong gawing batayan para bawiin ang parole na iginawad sa kanya.