Sasakyan bumaliktad: 27 sugatan

MANILA, Philippines - Umaabot sa 27-katao ang nasugatan makaraang bumaliktad ang sasakyang pampasahero sa kahabaan ng highway sa Barangay Dao-angan, bayan ng Balbalan, Kalinga kamakalawa.

Kabilang sa mga nasu­gatan naisugod sa Kalinga Provincial Hospital  ay sina Teresita Baawa, James Zyver Gangngab, Richard Cosidon, Antonio Condaya, Leah Banson, Consoria Manadao, Brynel Baguiyon, Balitnag Baawa, Maricel Battig, Wanasaon Zenny Dona-al, Joan Balicao, Torres Leo Buslig, Christine Bangan, Anarie Gangngab, Roy Alanggui, Jaymar Balcanao, at 11 iba pa.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Isagani Nerez na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sakuna sa kahabaan ng highway dakong alas-11:40 ng tanghali.

Bumabagtas ang sasakyan (WRR-535) na minamaneho ni Francisco Cassid Guma-ad Jr. nang mawalan ito ng kontrol sa manibela matapos na masiraan ng makina.

Tuluy-tuloy na bumaliktad sa kanang bahagi ng highway ang sasakyan habang sumuko naman sa pulisya ang driver nito.

Show comments