MANILA, Philippines - Gagawaran ng paraÂngal ng Publishers Association of the Philippines, Inc. (PAPI) ang tanyag na Team Albay ng Most Outstanding Disaster ResÂponse Award at si Albay Gov. Joey Salceda bilang 2013 Filipino of the Year nito.
Ayon kay PAPI PresiÂdent Luis T. Arriola, kaÂrapat-dapat ang Team Albay sa naturang parangal dahil sa palagian at tunay na makataong pagdamay nito sa mga sinasalanta ng mga kalamidad sa loob ng nakaraang anim na taon.
Sinabi rin ni Arriola na ang 2013 Filipino of the Year award para kay Salceda ay bilang pagkilala sa mga international achievements ng Albay governor ngayong taon, lalo na ang pagkakahalal niya bilang chairman ng US$100-billion UN Green Climate Fund (GCF) kung saan kinatawan siya ng Southeast Asia at mga developing countries o mahihirap na bansa.
Ang parangal, dagdag ni Arriola, ay pagkilala din sa “pioneering†at mabisang adbokasiya niya tungkol sa Climate Change Adaptation (CCA at malikhaing mga programa sa Disaster Risk Reduction (DRR) na ginaya na ng ibang mga LGUs at mga pambansang ahenÂsiya ng pamahalaan; sa mahusay niyang liderato at pamamahala na nagpalago sa turismo at ekonoÂmiya ng Albay; sa makataong pagtulong niya sa mga siÂnalanta ng kalamidad sa iba’t ibang rehiyon sa pamamagitan ng Team Albay.
Ang mga parangal ay igagawad sa ika-18 National Press Congress ng PAPI na gaganapin sa Pebrero 20-21, 2014 sa Cauayan City, Isabela.