MANILA, Philippines - Bumagsak sa 11 degrees Celsius ang level ng temperature sa Baguio City sa pagpasok ng bagong taon.
Ayon sa PAGASA, alas-5 ng umaga kahapon umabot sa 11.8 degrees Celsius ang naramdamang lamig. Bago matapos ang 2013 ay umabot sa 12 degrees celsius ang temperatura sa City of Pines.
Sinasabi ng PAGASA na titindi pa ang lamig sa bansa sa ngayon laluna sa Baguio City dahil umiikot sa hilagang Luzon ang malamig na simoy ng hangin mula China at kalapit nitong bansa.
Noong Enero 2013 ay umabot pa sa 9.5 degrees Celsius ang naitalang pinakamababang temperature doon.
Bunsod ng super lamig na klima sa Baguio City ay higit pang dumagsa ang mga turista at local tourist upang maramdaman ang malamig na panahon sa lunsod.
Sinasabing may mahigit 1 milyon ang bilang ng mga dumayo sa Baguio city para doon salubungin ang bagong taon.