MANILA, Philippines - Nagbaba ng presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang mga lokal na distributor bilang pasalubong sa taong 2014.
Pinangunahan ng Petron ang rolbak na aabot sa P7.65 kada kilo o katumbas na P83.16 kada 11 kilong tangke ng LPG.
Nasa P5.34 naman ang tinapyas sa kada kilo ng LPG sa Cebu at Bohol na nasa ilalim ng “price freeze†mula pa noong Nobyembre.
Sa mga lugar naman na tinamaan ng bagyong Yolanda, nasa P5.34 kada litro o P58.74 kada tangke ang tinapyas.
Binawasan din ng Petron ng P4.27 ang presyo ng kada litro ng kanilang Auto LPG, habang halos P3 ang rollback sa Cebu at Bohol.
Nauna nang nag-anunsyo ng P2 rollback kada kilo ang mga miyembro ng LPG Marketer’s Association na una nang nagsabi na pababa na ang trend sa presyo nito sa 2014 dahil sa pagbaba sa demand o pangangailangan ng mga bansa sa Kanluran sa pagtatapos ng panahon ng taglamig.