MANILA, Philippines - May tatanggapin pang karagdagang honorarium ang mga guro na nagsilbing Board of Election Tellers (BET) sa nagdaang Barangay elections noong nakalipas na Oktubre.
Ito’y matapos magbigay na ng go signal ang Department of Budget and Management (DBM) sa Commission on Elections (COMELEC) na maglabas ng pondo at bayaran ng karagdagang P300 ang mga gurong naglingkod sa nasabing halalan.
Kinumpirma ni COMELEC spokesperson James Jimenez, na inihahanda na nila ang payroll ng mga guro upang mabigyan ng karagdagang honorarium.