MANILA, Philippines - Upang masiguro ang kaligtasan ng commuters, dapat na magtayo ng taxi stands sa mga paliparan, bus terminals at iba pang business establishment sa bansa.
Sa ilalim ng House Bill 3371 na inihain ni Quezon 4th district Rep. Angelina Tan, itatayo ang taxi stand sa mga malls, shopping centers, commercial areas, airport, bus terminal, hotel at restaurants.
Sa nasabing mga taxi stands ay dapat mag-isyu ng passenger stubs ang security officer mula sa naturang mga establisimyento kung saan nakalagay dito ang oras at petsa, kumpanya ng taxi, body at plate number nito at ibibigay naman sa pasahero bago ito sumakay.
Ang nasabing panukala ay inihain sa gitna ng kabi-kabilang ulat na mayroong mga taxi driver na miyembro ng mga sindikato at nambibiktima ng kanilang mga pasahero.
Kabilang sa sinasaÂbing modus operandi ng ilang taxi driver ay ang paggamit ng spray upang makatulog ang kanilang pasahero at saka pagnanakawan o gagahasain.
Itinatakda rin ng panuÂkala ang paglalagay ng closed-circuit teleÂvision camera (CCTV) malapit sa taxi stand.
Nakasaad din sa HB 3371 na regular na mag inspeksyon ang Local government units (LGUs) upang makita kung ang mga business establishments sa kanilang nasasakupan ay sumusunod sa panukalang batas sa sandaling maisabatas ito.
Pagmumultahin ng P300,000 at pagkansela sa license to operate ang mga business establishment na lalabag dito.