Inilabas ng Korte Suprema TRO vs power rate hike

MANILA, Philippines - Nagpalabas ng 60-days Temporary Restraining Order (TRO) kahapon ang Korte Suprema na pumipigil sa Energy Regulatory Commission (ERC) at Manila Electric Company (ME­RALCO) na pumipigil sa pinakahuling pagtataas sa singil sa kuryente.

Sa inilabas na resolusyon ni Chief Justice Maria Lourdes Aranal-Sereno, nabatid na ang TRO ay base sa rekomendasyon ng ponente ng kaso na si Supreme Court (SC) Associate Justice Marvic Leonen, kaugnay sa petisyong inihain ng  Bagong Al­yansang Makabayan at  National Association of Electricity Con­sumers for Reforms (NASECORE).

Ang TRO ay isusu­mite pa sa  Court en banc  para sa kumpirmasyon at pagbabalik ng sesyon sa Enero 2014.

“Now, Therefore, effective immediately and for a period of 60 days, (1) respondent Energy Regulatory Commission, its agents, representatives, or persons acting in its place and stead, are hereby Enjoined from implementing its December 9, 2013 Order and acting further on the letter-request of MERALCO dated December 5, 2013, and (2) respondent MERALCO, its agents, representatives, or persons in its place and stead, are hereby Enjoined from increasing the rates it charges to its consumers based on the matters its raised in its December 5, 2013 letter,” saad sa resolusyon ni Sereno.

Iniutos din ni Sereno ang pagsasagawa ng  oral arguments  upang dinggin ang nasabing usapin.

“Set the cases for oral arguments on January 21, 2014 Tuesday, at 2:00 o’ clock in the afternoon at the New Session Hall, New Supreme Court building, Padre Faura st. Ermita, Manila,” anang resolusyon.

Inaatasan din ang ERC at MERALCO na isumite ang kani-kanilang komento para sa magkakahiwalay na petisyon bago sumapit ang Enero  8, 2014. Bukod pa rito ay inaatasan din ang mga respon­dent na personal na big­yan ng kopya ng kanilang  komento ang mga petisyuner­.

Pinaalalalahanan din ng SC ang bawat partido na sumunod sa “Efficient Use of Paper Rule in its pleadings.”

Una nang nagpe­tisyon ang ilang miyembro ng mababang kapulungan ng kongreso sa SC laban sa nasabing pagtataas sa singil sa kuryente.

Sa kanilang  Petition for Certiorari and Prohibition with Application for a Temporary Restraining Order and/or Preliminary Injunction, si Bayan Muna Representatives Neri Javier Colmenares at  Carlos Isagani Zarate; Gabriela Women’s Party Representatives Luz Ilagan at Emmi De Jesus; ACT Teachers Party Representative Antonio Tinio; at  Kabataan Party-list Representative Terry Ridon;  ay iginiit na sila bilang subscribers na residente ng Metro Manila ay apektado sa ipatutupad na power rate hike ng MERALCO.

Ikalawang petisyon kaugnay nito ang inihain sa SC ng  NASECORE group na kumukuwes­tiyon sa P4.15/kilowatt hour power rate hike, na sinasabing mararamdaman ng mga consumer dapat ngayong buwan (Disyembre).

Naghain din ng pe­tisyon ang Federation of Village Associations (FOVA), at  Federation of Las Piñas Homeowners Association (FOLPHA), na naghain ng  35-pahinang class suit laban sa MERALCO, ERC at Department of Energy (DOE). Samantala, Iginagalang ng Malacañang ang ipinalabas na Temporary Restraining Order ng Korte Suprema ukol sa power rate hike.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, trabaho naman ng Korte Suprema na dinggin ang lahat ng kasong idinudulog sa kanila ng mga mamamayan at sila rin ang final arbiter dito.

 

Show comments