P11.02B para sa 13th month ng SSS pensioners inilabas

MANILA, Philippines - Inilabas ng Social Security System (SSS) ang may P11.02 bilyon nga­yong Disyembre para sa 13th month bonus ng may 2 milyong SSS pensioners sa bansa.

Sinasabing naipasok na sa pensioners’ bank accounts ang naturang benepisyo at ang iba naman ay naipadala na ang mga pension checks via registered mail.

Ngayong taon, kabuuang P11.02 bilyon ang year-end pension na may 7 percent na taas mula P10.27 bilyon noong nakaraang taon.

Mahigit sa 99 percent ng 1.8 million pensioners ng SSS ang naka-enroll sa Pension Remittance Thru Banks Program na nagbibigay sa mga ito ng kagaanan na makuha ang kanilang pension direkta sa kanilang single savings accounts sa pamamagitan ng Automated Teller Machines (ATMs).

Pinaalala ng SSS sa mga pensioners na dapat silang magpakita sa kanilang depository bank samantalang ang mga may kapansanan na pensioners ay dapat na magtungo sa pinaka malapit na SSS branch upang mapatunayan ang kanilang patuloy na eligibility para tumanggap ng  monthly pensions.

Ang mga pensioners na hindi makakapunta ng personal tulad ng mga based overseas o may mga sakit o naka-confine sa pagamutan na may mahigit 80 edad ay maaaring magpadala ng kanilang designated representative para dito.

Nagbibigay naman ng konsiderasyon ang SSS na mabisita ang mga pensioners sa kanilang bahay na hirap magpunta sa alinmang branch ng SSS o sa bangko.

Show comments