26 araw ceasefire sa NPA

MANILA, Philippines - Nagdeklara ng 26 araw na unilateral ceasefire ang gobyerno sa CPP-NPA-NDF ngayong holiday season.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, epektibo ang nasabing holiday truce mula alas-12:00 ng madaling araw ng December 21 hanggang alas-11:59 ng January 15, 2014.

Naunang nagdeklara ng anim na araw na tigil-putukan ang CPP-NPA-NDF mula December 24 hanggang 26 at December 31 hanggang January 2, 2014.

Ang naturang hakbang ng NPA ay pinuna naman ng AFP spokesman na si Col. Ramon Zagala kung bakit ilang araw lamang ang kanilang unilateral ceasefire.

Masyado anyang maikli ang idineklarang tigil putukan ng NPA.

“What they declared was too short, two days Christmas, two days New Year...if they like, we can stop fighting, isn’t that what we all want?” ani AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista.

Magdiriwang ang NPA ng kanilang ika-45 taong anibersaryo sa Disyembre 26.

Show comments